Tutol si Senator Panfilo Lacson sa hirit ni Senador Antonio Trillanes na manawagan silang mga Senador para sa pagpapalaya kay Senator Leila de Lima.
Ayon kay Lacson, dapat nilang irespeto ang criminal justice system ng bansa kaya’t hindi sila dapat manghimasok sa Korte na may hurisdiksyon sa drug case ni De Lima.
Hindi rin kumporme si Senador Lacson na magsagawa ng caucus sa mataas na kapulungan ng Kongreso upang pag-usapan ang privilege speech ni Trillanes na humihiling na manawagan sila na palayain na si De Lima na kasalukuyang nasa PNP-Custodial Center.
Independent anya ang hudikatura sa ehekutibo at lehislatura maging ang mga foreign organization at group na nananawagan sa paglaya ng Senadora.
Dagdag ni Lacson, walang karapatan ang mga ito na manawagan sa Pangulo na palayain si De Lima.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
SMW: RPE