Tutol si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa pagtanggap ng mga pulis ng mga regalo.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ng senador na ang kasakiman ay nagsisimula sa simple at maliit na pagnanakaw at mas nakaka-adik anya ito kumpara sa droga.
Dagdag pa ni Lacson, walang gamot at hindi maaring idaan sa rehabilitation facilities ang pagiging sakim sa pera.
Matatandaang noong Biyernes, sa ika-118th anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) ay sinabi ni Pangulong Duterte na maaring tumanggap ang mga pulis ng mga regalo.
Mr President, insatiable greed starts with simple, petty graft. It could be more addicting than drugs. There is no detox, nor is there rehab facility available for addiction to money.
— PING LACSON (@iampinglacson) August 10, 2019