Wala na raw pakialam si Senador Panfilo Lacson sa kung anong binabalak ni dating Senior Superintendent Cesar Mancao sa bigla nitong pagsuko sa mga otoridad.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Lacson
gayunpaman, sinabi ni Lacson na mabuti na ring sumuko si Mancao upang maresolba na ang kanyang kaso.
Giit ni Lacson, hindi man niya makalimutan ang mga taong nanira at nanggipit sa kanya noon, matagal naman na niyang napatawad ang mga ito, kabilang na si Mancao.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Lacson
Sinabi pa ni Lacson na bagamat ginawa raw ni Mancao na miserable ang kanyang buhay, marami pa ring positibong nangyari sa buhay niya at nalaman niya kung sino ang kanyang tunay na mga kaibigan.
By: Avee Devierte / Cely Bueno