Lagi umanong posible na magkaroon ng Coup D’etat sa Pilipinas ngunit wala pang sapat na dahilan sa ngayon upang palitan ng militar ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, wala sigurong mag-iisip na sumama sa anumang balak na Coup ngayong nangako ang Pangulong Duterte na dodoblehin ang sweldo ng mga sundalo.
Bagaman depende sa mga mangyayari sa bansa, iginiit ni Lacson na wala siyang nakikitang anumang dahilan para sa destabilisasyon.
Ito ang tugon ni Lacson nang minsang magbiro ang Pangulo sa mga sundalo na hindi nila kakailanganing maglunsad ng Coup kung ayaw nila ng pamamalakad nito.
Sinabi ni Pangulong Duterte na maaari nilang tawagan ito sa Malacañang upang paalisin at agad umano itong tatalima; wag lang magkaroon ng Coup.
By: Avee Devierte