Tinawag na pro-people ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2017 National Budget.
Ayon kay Legarda, masasabing pro-people ito dahil tumutugon ito sa pangunahing pangangailangan ng publiko at makapagpapahusay sa paglago ng ekonomya ng bansa.
May nakalaan din aniyang pondo para masiguro ang universal healthcare coverage; libreng irigasyon para sa mga magsasaka; libreng tuition fee sa mga State Universities and Colleges; dagdag na allowance sa mga guro, pulis at sundalo; pondo para sa rice allowance ng mga benepisyaryo ng conditonal cash transfer program; paglikha ng drug rehabilitation center, dagdag sa subsistence allowance ng mga preso; dagdag sa pensyon ng mga world war 2 veterans at para sa mga centenarians.
Sinabi ni Legarda na ilan lang ito sa maraming nilalaman ng paglalaanan ng mga pondong nakapaloob sa 2017 National Budget.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno