Inaasahan na ni Senadora Leila de Lima ang isinampang kaso sa kanya ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa pagkakasangkot umano nito sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay De Lima, naka-empake na ang kanyang mga gamit at nakausap na rin nito ang kanyang pamilya at staff sakaling siya ay arestuhin na.
Iginiit ng Senadora na malinaw na bahagi ng persecution ng kasalukuyang administrasyon ang naturang kaso.
Sa kabila nito, nanindigan si De Lima na hindi siya matitibag ng naturang kaso at patuloy na lalaban sa abot ng kanyang makakaya.
Umaasa ang mambabatas na sa oras na makulong ay hindi siya matutulad sa mga kaso ng extra judicial killings.
Sa kabila nito, tiniyak ni De Lima na handa siya sa worst case scenario.
By Ralph Obina