Kinasuhan na ng Department of Justice o DOJ si Senadora Leila De Lima sa kasong paglabag sa Section 5, in relation to Section 5(jj), Section 26(b) and Section 28 ng Republic Act 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Tatlong magkakahiwalay na kaso ang inihain laban sa senadora sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC, National Bureau of Investigation (NBI), at ng New Bilibid Prison (NBP) inmate na si Jaybee Sebastian.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina former Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Jesus Bucayu, former BuCor officer-in-charge at National Bureau of Information (NBI) Deputy Director Rafael Ragos, Jose Adrian Dera na sinasabing pamangkin umano ng senadora, Joenel Sanchez, Wilfredo Elli, and Jaybee Sebastian.
Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pagkakasangkot umano ng senadora sa paglaganap ng iligal na droga sa Bilibid.
Matatandaang sinabi ni De Lima noong nakaraang linggo na kanya nang inaasahan ang posibleng pag-aresto sa kanya at naghahanda na aniya ito sa worst-case scenario.
By Race Perez |With Report from Bert Mozo