Sinuyod ni Senador Lito Lapid ang ilang barangay sa lalawigan ng Rizal na naapektuhan ng baha sa isinagawang Lingkod Lapid Caravan.
Dito, namahagi si Sen. Lapid, kasama ang kanyang anak na si Mark Lapid, ng family food packs para sa 1,200 pamilya na nabiktima ng matinding pagbaha na dulot ng bagyong Enteng.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tinaguriang Supremo para sa napapanahong tulong na ipinagkaloob sa kanila sa gitna ng naranasang kalamidad.
Inaasahan din ni Sen. Lapid na makatutulong sa bawat pamilya ang food packs na naglalaman ng bigas, mga delata at iba pa.