Bukas naman si Senador Manny Pacquiao na makipag-amicable settlement sa BIR o Bureau of Internal Revenue hinggil sa kinahaharap niyang tax evasion case.
Ayon sa Senador, lagi naman siyang bukas para maayos ang gusot bagama’t tiwala siyang walang batayan ang kasong isinampa sa kaniya ng BIR.
Tanging hiling lang ni Senador Paquiao sa kaniyang mga abogado gayundin sa BIR na ibatay sa ebidensya at huwag sa simpleng pananaw lamang ang talakayan para sa amicable settlement.
Bilang mambabatas, sinabi ng Senador na nais din niyang matapos na ang nakabinbing litigation case na isinampa laban sa kaniya ng gubyerno at malaki ang kaniyang tiwala’t respeto kay BIR Commissioner Cesar Dulay.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno