Hindi naitago ni Senador Manny Paquiao ang kaniyang inis at pagkadismaya sa walang habas na pamumulitika sa bansa.
Ito’y ayon sa Senador kaya’t ikinukonsidera na niyang huwag nang tumakbong muli sa pagkasenador sa 2022 at kumalas na ng maaga sa buhay pulitika.
Aminado si Pacman na kaya siya tumakbo sa Senado ay para maglingkod sa taumbayan at makapagpasa ng mga batas na tiyak na pakikinabangan ng lahat.
Gayunman, tila napatunayan ni Pacquiao na may iba’t ibang mukha sa larangan ng pulitika na aniya’y hindi niya kayang kaharapin.
Kasunod nito, idinepensa rin ni Pacquiao sina PCOO Asst/ Sec. Mocha Uson sa mga kritko nito na bumabatikos sa posibleng pagtakbo nito sa pagkasenador sa 2019.