Tutol si Senadora Imee Marcos sa ginawang pagpapatigil ng ombudsman sa pagsasagawa ng lifestyle check para sa mga opisyal ng pamahalaan.
Ito’y makaraang magpasya ang Ombudsman na huwag nang magsagawa ng lifestyle check at limitahan na lang ang access sa statement of assets, liabilities and net worth ng isang opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa senadora, malaki kasi ang maitutulong nito lalo na sa imbestigasyon sa mga tiwaling public officials na pinagbibintangan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Pikon na Pikon na rin si Justice Martires, totoo naman na madalas na makikita natin iskandalo ka diyaryo tapos aparang tine-terrorize nagiging weaponize itong SALN. I understand what his saying I been also on the receiving end of it. Lahat ng mga public official parating tinatakot sa ganyan, ang importante talaga magagamit pa rin as evidence at lifestyle check are always useful. ani Marcos
Gayunman, sinabi ni marcos na ibang usapan na kung gagamitin sa blackmail ang SALN laban sa isang opisyal ng pamahalaan para makakuha ng pabor.
Hindi pa rin natin nakakalimutan ang nangyari sa PhilHealth at hanggang ngayon hindi pa kumpleto ang imbestigasyon na nagumpisa lang tungkol sa ID contract na iisa. Papaano pa ‘yung welmet, papaano pa ‘yung upcasing ang dami-daming kaso diyan. So kakailangan nung lifestyle check, kailangan din tingnan ‘yung SALN. It’s a legitimate investigation I believe Justice Martires will abid naman ‘yung problema talaga nagiging instrument of blackmail naman ibang usapan kapag ganun. ani Marcos — sa panayam ng Usapang Senado