Hiniling ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema na maglabas ng kautusan para sa safety at integrity ng mga balota at iba pang mahahalagang dokumento.
Ito’y may kaugnayan sa election protest na isinampa ng kanilang kampo laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa inihaing urgent manifestation, hiniling ni Marcos sa kataas-taasang hukuman na mag-isyu ito ng precautionary order na nag-aatas sa COMELEC, data centers at telecommunication firms para mapreserba ang integrity at safety ng lahat ng ballot boxes; election day computerized voter’s list (EDCVL), voters registration records (VRRS), audit logs, transmission logs at iba pang mahahalagang dokumento na ginamit sa nakalipas na May 9 elections
Bukod sa COMELEC, sinabi ni Marcos na dapat masaklaw ng precautionary order ang city/municipal treasurers, Bangko Sentral ng Pilipinas, Smartmatic-TIM, I.P. Converge Data Services at iba pa.
Iginiit ng natalong Vice Presidential candidate na dapat masiguro ng mga nabanggit na entity na hindi mata-tamper ang mga dokumento at paraphernalia, alinsunod sa rule 36 ng Presidential Electoral Tribunal Rules.
By: Meann Tanbio