Nanindigan si Senador Bongbong Marcos na mau-upo pa rin siya bilang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Ito’y sa sandaling mapatunayan sa ihahain nilang protesta sa Presidential Electoral Tribunal o PET na para sa kaniya ang nawawalang 3 Milyong boto na idineklarang undervotes
Binigyang diin pa ni Marcos, paiinitin lamang aniya ni Vice President elect Leni Robredo ang upuan ng Pangalawang Pangulo para sa kaniya sakaling lumabas na ang hatol ng korte
Una nang inihayag ng kampo ni Marcos na nakatakda nilang ihain ang kanilang electoral protest sa Hunyo 28, araw ng Martes
By: Avee Devierte