Nakatakdang ihain ni Senador Bongbong Marcos ang kanyang electoral protest laban kay incoming Vice President Leni Robredo sa PET o Presidential Electoral Tribunal sa Hunyo 28.
Iginiit ni Marcos na mayroon siyang hawak na matibay na ebidensya na magpapatunay sa talamak na dayaan noong May 9 elections.
Sa katunayan, sinabi ni Marcos na masyadong malawak ang naganap na massive vote buying at ballot switching.
Matatandaang tinalo ni Robredo si Marcos ng mahigit sa 260,000 votes.
By: Meann Tanbio