Nakontrol na ang cancer sa kaliwang baga ni Senador Miriam Defensor Santiago.
Ipinabatid ito mismo ni Santiago na nagsabing labis din niyang ikinatutuwa ang paglabas ng isang presidential survey kung saan ikalawa siya sa listahan.
Binigyang diin ni Santiago na ang pananatili niya sa isipan ng mga botante kahit hindi siya nakakapasok sa senado at sa bahay lamang nagtatrabaho ay isang hamon para manatili sa public service.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)