Bagama’t dinapuan ng kanser sa baga, si Sen. Miriam Defensor-Santiago pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming panukalang batas na naihain sa kapulungan.
Batay sa talaan ng senado, nakapaghain si Santiago ng mahigit 1,000 bills at resolutions na higit na marami sa mga panukalang batas ng iba pang mga senador.
Paliwanag ni Santiago, katawan lamang niya ang nagkasakit at hindi ang kanyang utak.
Nakapaghain naman ng 642 bills at resolutions si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada habang 344 naman ang naitulak ni Sen. Antonio Trillanes.
Si Santiago ay isa sa mga lumulutang na posibleng kandidato sa 2016 presidential elections.
By Jelbert Perdez