Mariing itinanggi ng kampo ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang balitang sasabak ito sa pagkapangulo sa darating na halalan.
Ayon kay Arveen Patria, Media Bureau head ni Santiago, walang katotohanan ang mga lumalabas sa social media.
Magugunitang kumalat ang post ng isang estudyante ng UP College of Science Library na inanunsyo umano ni UP Diliman Chancellor Michael Tan na magdideklara si Santiago ng kaniyang kandidatura bukas.
Dahilan upang mag trending ito at maging laman ng usap-usapan sa social media gamit ang mga hashtags na miriamfight at witty Wednesday.
By: Jaymark Dagala