Dumating na rin sa Cagayan de Oro si Senadora Miriam Defensor Santiago para dumalo sa presidential debate mamayang alas-5:00 ng hapon.
Lulan si Santiago kanina ng Philippine Airlines kung saan pasado Alas-9:00 sana siya aalis mula sa Maynila.
Pero dahil sa aircraft at air congestion, kaya pasado alas 11:00 na siya naka-alis.
Si Santiago na umaming magaling na sa stage 4 lung cancer ay kilala sa social media.
Siya ang itinuturing na may pinakamaraming followers sa twitter at facebook kumpara sa kaniyang mga katunggali.
Ang debate mamaya ang ikatlong public appearance ng senadora simula nang umarangkada ang kampaniya noong Pebrero 9.
By: Drew Nacino