Umapela si Senadora Nancy Binay sa mga magulang na huwag matakot pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng Polio, Tetanus , Pertussis, Measles, Diphtheria at Hepatitis B.
Ito’y makaraang mabahala ang Senadora sa report ng DOH o Department of Health na malaki ang ibinaba ng immunization rates sa Pilipinas sanhi ng kontrobersiya na dulot ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Giit ng Senadora, bilang isang ina ay nauunawaan niya ang pag-aalinlangan ng ilang magulang subalit mas delikado aniya kung hindi pababakunahan ang mga kabataan dahil tataas ang tsansa na magkasakit ang mga ito.
Una nang sinabi ng DOH na bumagsak ng 60 porsyento ang immunization rate mula sa ideal na 85 hanggang 90 porsyento.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio