Kinumpirma ni Senator Manny Pacquiao na sinimulan nilang kausapin ang kampo ni Conor Mcgregor para sa posibleng paghaharap nila oras na mag-break ang sesyon ng senado sa Abril.
Ayon kay Pacquiao, payag siyang makalaban si Mcgregor basta’t magkaroon lang ng maayos na negosasyon
Sa ngayon anya, hindi pa nasusundan ang inisyal nilang usapan tungkol sa posible nilang paghaharap sa ring.
Kung matuloy ang laban, sinabi ni Pacquiao na posible itong gawin sa Malaysia, Dubai o Macau.