Nais amyendahan ni Senador Manny Pacquiao ang kasalukuyang Sin Tax Law sa layuning dagdagan pa ng buwis ang mga tabako at sigarilyo sa bansa.
Ayon kay Pacquiao bukod sa mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan ay makakakolekta pa ang gobyerno ng mas malaking buwis.
Ayon sa panukala ng Senador, tataasan ang kasalukuyang buwis na P.30 bawat kaha at gawin itong P.60 bawat kaha ng sigarilyo hindi pa kasama dito ang taunang pagtaas sa kasalukuyang 4% na gagawing 9%.