Nilecturan ni Senador Manny Pacquiao ang CIDG sa pagdinig ng Senado sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte sa selda nito.
Kasunod na rin ito nang pag kuwestyon ni Pacquiao kung bakit pa magsisilbi ng search warrant ang CIDG kay Espinosa gayung naka kulong na ang alkalde sa Baybay Sub Provincial Jail.
Sinabi ni Pacquiao na ginagamit ang search warrant para pangalagaan ang karapatan ng mga tao may kaugnaya sa right to privacy, property and persons.
Ayon kay Pacquiao wala ng right to privacy si Espinosa dahil nakakulong na ito.
Binigyang diin pa ni Pacquiao na talagang kahina hinala ang insidente lalo nat ngayon pa lamang siya nakadinig na kukuha ng warrant sa kulungan para sa nakakulong.
Bukod dito mismo aniyang ang provincial jail warden na si Homobono Bardillon ang nagsabing hindi nakipag coordinate sa kanila ang CIDG team.
By: Judith Larino