“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan”
Ito ang patutsada ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa dati nitong matalik na kaibigan na si Senador Manny Pacquiao.
Ginawa ni Atienza ang pahayag kasunod ng magkaiba nilang pananaw hinggil sa usapin ng pagbabalik ng parusang bitay sa bansa na kasalukuyang tinatalakay sa kongreso.
Pinayuhan pa ni Atienza ang senador na bumalik na sa dating pananampalataya nito upang hindi na muling maligaw pa ng landas.
Magugunitang dating debotong katoliko si Pacquiao noong nagsisimula ito sa kanyang larangan ngunit kalauna’y kumalas at naging isang Born Again Christian.
By Jaymark Dagala |With Report from Aya Yupangco