Maaari nang maghain ng reklamo si Senador Manny Pacquiao sa Office of the Ombudsman o sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa umano’y katiwalian sa ilang ahensiya ng pamahalaan.
Ito ay ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sakaling mayroon na itong hawak na sapat na ebidensya kaugnay sa korapsyon sa gobyerno.
Sinabi ang naturang pahayag ni Guevarra makaraang ilabas ni Pacquiao na mayroong iregularidad na nangyayari sa loob mismo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Energy (DOE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Maliban dito, sinabi rin ni Pacquiao sa kanyang alegasyon na may umano’y korapsyon sa Department of Health (DOH).
Samantala, sinabi pa ni Guevarra kung nais ni Pacquiao na paimbestigahanang usaping ito ay maaari itong dumulog sa Presidential Anti-Corruption Commission o sa Task Force Against Corruption (TFAC).