Itinanggi ni Senador Manny Pacquiao na mayroong naganap na pag-uusap ukol sa pagsabak nitong muli sa boksing.
Iginiit ng kampo ni Pacquiao, prayoridad ng Senador sa ngayon ang mga tungkulin nito sa Senado.
Dagdag pa ng kampo ng Eight-Division World Champion, kung muli man itong sasabak sa boksing, titiyakin niyang naka-recess ang Senado upang hindi maapektuhan ang kanyang Senatorial Duties.
Una nang kinumpirma ni Top Rank Promoter Bob Arum, napag-usapan na ang posibleng laban ni Pacquiao sa Nobyembre bagay na pinabulaanan ng kampo ng Senador.
By: Avee Devierte