Nababahala si Liberal Party President Senador Francis Kiko Pangilinan hinggil sa pinigil na 430 Million Us Dollar Aid mula sa Estados Unidos
Magugunitang naudlot ang nasabing grant matapos umanong mabahala ang Amerika sa dumaraming human rights violations sa bansa mula nang maupo sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte
Sinabi ni Pangilinan na malaki ang magiging impact nito sa mga proyektong pino pondohan ng nasabing financial aid
Nangangamba si Pangilinan na posibleng sumunod na maapektuhan ang trading at investment na pangunahing nagpapalago sa ekonomiya ng Pilipinas
By: Judith Larino