Isinusulong ni Senador Kiko Pangilinan ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ang bansa ng estratehikong reserba ng bigas para masiguro ang seguridad sa pagkain sa panahon ng kalamidad.
Iginiit ni Pangilinan na mahalagang masiguro na mayroon tayong sapat na suplay ng bigas bilang paghahanda sa maaaring pagpasok ng La Niña sa bansa na magdadala ng hindi pangkaraniwang ulan.
Sa ilalim ng panukalang Strategic Food Security Rice Reserve Act of 2016 , tinitiyak ang sapat na supply at abot kayang presyo ng bigas.
Dapat ay laging may reserba ng bigas na katumbas sa 15 araw na National Rice Consumption.
Una rito, inihayag ng PAGASA na posibleng ma-develop na ang mahinang La Niña sa huling bahagi ng taon kung saan 9 hanggang 15 bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
By: Meann Tanbio