Nanawagan naman si Senador Francis Pangilinan sa Department of Trade and Industry na tiyaking hindi apektado ang presyo at supply ng manok sa mga pamilihan sa gitna ng bird flu outbreak sa bayan ng San Luis, Pampanga.
Ayon kay Pangilinan na dating Food Security Czar, dapat bantayan ang mga posibleng magsamantala sa sitwasyon at mga supplier o seller na magtataas ng presyo ng manok.
Marami pa naman anyang maaaring pagkunan ng chicken supply kaya’t wala pang dapat ikatakot ang mga consumer.
Samantala, hinimok naman ni Pangilinan ang gobyerno na sumaklolo sa mga apektadong poultry farm owner bukod sa matatanggap na kompensasyon sa pagsunog sa kanilang mga manok at iba pang ibon.