Tanggap ni Senador Allan Peter Cayetano kung hindi man siya ang italagang susunod na kalihim ng Department of Foreign Affairs o DFA.
Ayon kay Cayetano, prerogative ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang magiging desisyon nito at susunod lamang ito sa kagustuhan ng Presidente.
Binigyang-diin ng Senador na pareho silang committed ni Foreign Affairs Acting Secretary Enrique Manalo para sa kabutihan ng bansa kaya’t susunod sila kung ano ang magiging pasya ng Pangulo.
Batid anya ng mambabatas ang suporta at respeto ng buong DFA kay Manalo kaya’t hindi dapat isipin na nasasapawan niya ito lalo na’t kasama siya sa mga biyahe ni Pangulong Duterte.
Binigyang-diin ni Cayetano na kasama siya sa biyahe sa Thailand sa kanyang kapasidad bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs.
Naniniwala ang senador na maraming ibang posisyon sa gobyerno at kailangan pa rin siya sa senado kaya’t hintayin na lamang kung ano ang plano ng Pangulo sa kanya.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping