Ipinagtanggol naman ni Senate President Koko Pimentel si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil hindi nito pagbubukas sa ASEAN Summit ng naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pimentel, hindi masisisi ang Pangulo lalo’t layunin ng ASEAN Summit ang mga usapin na pinagkakaisahan ng mga bansang miyembro nito.
Pinag-usapan na aniya ang mga usaping tatalakayin sa ASEAN Summit bago pa man umarangkada ang mga aktibidad kaugnay nito.
May mga nagsasabing iniwasan ng Pilipinas ang usapin lalo’t hindi lamang ang China ang siyang claimant sa mga pinagtatalunang teritoryo kundi ang iba pang mga bansa na kapitbahay ng Pilipinas at miyembro rin ng ASEAN.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno