Nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Department of Trade and Industry (DTI) na tiyaking tama ang presyo ng mga Noche Buena goods.
Binigyang-diin ni Sen. Pimentel na hindi dapat pagsamantalahan ng mga may-ari ng negosyo ang panahon ng Pasko para magtaas ng presyo sa iba’t ibang bilihin, kabilang ang keso, macaroni, spaghetti sauce, fruit cocktail, all-purpose cream, ham, at iba pang produktong Noche Buena.
Hinimok pa ni Pimentel ang DTI na pahusayin ang kanilang monitoring efforts laban sa mga kumpanyang sangkot sa manipulasyon ng presyo.
Ayon sa senador, hindi dapat makatakas sa pananagutan ang mga negosyong nag-iimbak ng mga stock o nagsasagawa ng pagtaas ng presyo—lalo na tuwing Pasko.