Tiwala si Sen. Koko Pimentel na magiging patas si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pag-iimbestiga kay Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng Disbursement Acceleration Program o DAP kahit na ito pa ang nagluklok sa kanya sa pwesto.
Ayon kay Pimentel, sa tagal na ni Ombudsman Morales sa hudikatura dahil retirado itong mahistrado ng Korte Suprema ay kilala at subok na ang kanyang integridad.
Giit ng senador, bagama’t may immunity from suit si Pangulong Aquino, base sa konstitusyon ay hindi naman ito bawal imbestigahan.
Magugunitang isiniwalat ni Morales sa budget hearing sa kongreso na iniimbestigahan ng kanyang tanggapan si Pangulong Aquino at si Budget Sec. Butch Abad kaugnay ng naturang usapin.
By: Jelbert Perdez