Umaasa si Senate President Koko Pimentel na dadalasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatawag ng National Security Council Meeting.
Ayon kay Pimentel, ito’y dahil isang uri ng Consultative Process ang pag-convene sa NSC.
Giit ni Pimentel, walang debate o kaya’y batikusang nangyari sa naturang pagpupulong at naka-focus lamang ito sa pagpapalitan ng kaalaman sa hanay ng mga dating Pangulo.
Samantala, sinabi pa ni Pimentel na pag-uusapan nila kung ano ang mga kinakailangang legislation bilang suporta mga napag-usapan sa NSC Meeting.
By: Meann Tanbio