Malamig ang tugon ng ilang Senador sa panawagan ni Senadora Leila de Lima na Statement of Support kaugnay ng kanyang hangarin na mapagbigyan siyang makadalo sa sesyon at sa botohan ng ilang mga mahahalagang panukalang batas.
Inamin ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel na wala pa siyang tugon sa liham ni De Lima na humihingi ng Statement of Support, pero pinayuhan niya aniya ito na magsumite ng mosyon sa Korte.
Sinabi naman ni Senate Majority Floorleader Tito Sotto na minsan na silang nagbalak noon na magpasa ng resolusyon na nananawagan sa Korte na payagan si dating Minority Floorleader Juan Ponce Enrile na makadalo sa mga sesyon ng Senado, pero hindi sila pinayagan.
Maging si Senador Richard Gordon ay walang nakikitang pangangailangan para magpahayag ang Senado ng suporta kay De Lima.
Ayon kay Drilon, magbibigay ito ng maling signal at iisiping binibigyan ng special treatment sa Senadora.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno