Hindi naniniwala si Senador Panfilo Lacson sa dahilan ni dating house speaker at Partido Reporma president Pantaleon Bebot Alvarez sa pagbawi ng suporta sa kanya.
Ayon kay Lacson, hindi lang siya kundi ang mga kapwa presidentiables na sina Manila Mayor Isko Moreno at senador Manny Pacquiao at maging si Vice President Leni Robredo na sinusuportahan ni Alvarez ay nahuhuli rin naman sa survey.
Ibinunyag ni Lacson ang isyu ng campaign expenses para sa local candidates ng Partido Reporma ang tunay na dahilan ni Alvarez sa pagkalas ng suporta sa kanya.
Sinabi ni Lacson na humihingi ang Chief of Staff ni Alvarez ng dagdag na P800-M na inamin niyang hindi niya kayang ilabas o i-produce.
Nilinaw muli ni Lacson na wala siyang sama ng loob kay Alvarez sa ginawa nito, subalit kung magsasalita pa rin ito sa naturang isyu ay kailangan niya aniyang itama ang mga pahayag ng kongresista. —mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)