Si Senador Panfilo Lacson ang kauna-unahang presidentiable na bumoto ngayong araw na ito.
Maaga pa lamang ay pumila na si Lacson sa Bayan Luma 1 Elementary School sa Imus, Cavite at nakaboto na bago pa mag alas siyete ng umaga.
Ang botohan ay nagsimula alas sais ng umaga hanggang mamayang alas siyete ng gabi.