Kumpiyansa ang kampo ni Rizalito David na mangingibabaw ang kanilang argumento sa quo warranto petition na isinampa nito laban kay Sen. Grace Poe.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Atty. Manuelito Luna, abogado ni David, matapos ang isinagawang oral argument sa Senate Electoral Tribunal o SET ay mas lalong luminaw na walang natural born status ang senadora.
“Wala talagang natural born status si Sen. Poe. Klarong klaro na ngayon na sya ay dapat bumaba sa kanyang pwesto bilang senador.”
Giit pa ni Luna, wala ring katotohanan ang mga alegasyon na maaaring pakawala lamang si David ng mga posibleng kalaban ni Poe.
“Sa simula pa lang, very obvious na si Mr. David is acting on his own. Hirap na hirap yung mama para makabuo ng enough na pera para mabayaran yung filing fee na umabot ng P50,000,” paliwanag ni Luna.
By: Jelbert Perdez