Kawalan pero hindi malaking kawalan.
Ito ang pahayag ni Liberal Party Vice Chair for Political Affairs at Caloocan City Representative Edgar Erice sa desisyon ni Senadora Grace Poe na tumakbong pangulo at independent sa 2016 elections.
Ayon kay Erice, matagal hinintay ng LP at umasa rin ang pangulo na papayag si Poe na magingkatandem ni LP standard bearer Mar Roxas sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa kabila nito, naniniwalasi Erice na mabuti na rin aniya ito upang maka-move on na aniya si Roxas at makapili na ng makakatambal para sa 2016 elections sa lalong madaling panahon.
Samantala, minaliit lamang ni Erice ang ulat na dahil sa pagtakbo ni Poe ay mabawasan ang boto na para kay Roxas.
Kumpiyansa si Erice na malakas si Roxas lalo na sa kabisayaan partikular sa Regions 6 at 7.
By: Ralph Obina