Makabubuting ipagpaliban muna ng L.T.F.R.B. ang pagbibigay ng mga bagong aplikasyon para sa Uber at Grab.
Ito, ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe, ay hangga’t hindi pa napapahusay ang mass transport system sa bansa.
Iginiit ni Poe na magsusumite siya ng resolusyon at panukalang batas na lulutas sa issue na kinakaharap ng mga transport network vehicles o TNV gaya ng Grab at Uber.
Ipinaliwanag ng Senador na maraming mga pasahero ang umaasa sa Grab at Uber dahil mas mahusay, ligtas at komportableng serbisyo ng mga ito bagay na bigong gawin ng mga taxi operator sa nakalipas na mahabang panahon.
Samantala, kinuwestyon naman ni Poe ang L.T.F.R.B. kung sinadya nitong itengga ng matagal ang mga aplikasyon ng Grab at Uber.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Sen. Poe kinuwestyon ang LTFRB hingil sa aplikasyon ng Grab at Uber was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882