Nais paimbestigahan ni Senadora Grace Poe ang kabiguan ng Philippine National Police na magtalaga ng isang sibilyan para pamunuan ang kanilang internal affairs service
Kanina,naghain ng resolusyon ang Senadora para magpatawag ng imbestigasyon upang malaman ang dahilan kung bakit hindi pa ipinatutupad ng PNP ang Republic Act 8551 o ang PNP reform and reorganization act
Nakasaad aniya sa nasabing batas na dapat isang sibilyan ang mamuno sa PNP internal affairs service na kasalukuyang pinamumunuan ni Police Director Alexander Roldan
Kasunod nito, iginiit ni Poe ang panawagan sa pamunuan ng pambansang pulisya na magtalaga na ng sibilyan sa nasabing dibisyon na siyang tututok sa pag-iimbestiga naman sa mga pulis na nasasangkot sa mga anomalya at katiwalian
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19) Cely Bueno