Tiniyak ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na magpapatawag siya ng hearing bago mag-adjourn sine die ang sesyon ng kongreso sa susunod na linggo.
Ayon kay Poe, ito ay para mabusisi at madetermina kung may pagmamalabis ba ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na gumagawa ng IRR o Implementing Rules and Regulations sa Anti-Distracted Driving Act.
Dagdag pa ni Poe, mahalagang may public consultation sa paggawa ng IRR.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno