Binalikan ni Senate President Koko Pimentel ang pinuno ng Liberal Party na si Senador Francis Pangilinan makaraang kwestyunin ni Pangilinan ang pagbatikos ni Pimentel sa partido.
Giit ni Pimentel, bakit siya sasabihan ng Liberal Party Senators na pagtuunan na lang ang mahahalagang isyu at problema ng bansa sa halip na bilang ng boto na maaring makuha sa posibleng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Pimentel, respeto sa isa’t isa ang kailangan ngayon.
Una rito, inihayag ni Pangilinan na sino ba si Pimentel para sabihan ang Liberal Party na kondenahin ang mga nasa likod ng pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kung talagang walang kinalaman ang kanilang partido sa kaso.
By: Avee Devierte / Cely Bueno