Naniniwala si Senate President Tito Sotto na may pag-asang makalusot sa Senado ang panukalang batas para sa pagbabalik ng parusang kamatayan.
Ayon kay Sotto, malaki ang tiyansa na makukaha ito ng maraming boto ngunit kung ang bibitayin ay mga big time drug lord at drug trafficker.
Paliwanag ni Sotto, dapat lamang na bitayin ang mga sangkot sa iligal na droga dahil kahit makulong ang mga ito ay hindi pa rin tumitigil ang transaksyon.
Gayunman nilinaw ni Sotto na hindi dapat kasama sa mabibitay ang mga napag-utusan lamang na magdala ng iligal na droga.
—-