Kinalampag ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. Ang Department of Transportation kaugnay sa paulit-ulit na problema sa operasyon ng MRT-3.
Ginawa ito ni Revilla matapos muling magkaaberya ang operasyon ng MRT-3 sa Ortigas station na nagdulot ng perwisyo sa mananakay.
Ayon kay Revilla, masakit sa kalooban na makita ang patuloy na paghihirap ng mga commuter sa mahahabang pila sa tren lalo na tuwing rush hours.
Dagdag pa ang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic kung saan makikitang tumataas na ang kaso ng COVID-19 infections sa Metro Manila.
Pagbibigay-diin pa ni padilla, nakakainis isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutugunan ng DOTr ang problema sa mrt lalo na’t tumataas ang hawahan ng COVID-19.
Hinimok naman ni Revilla ang DOTr sa pangunguna ni Secretary Jaime Bautista na agarang solusyunan ang paulit-ulit na problema sa tren dahil libo-libong commuters ang umaasa rito. – sa ulat ni Cely Ortega- Bueno