Nanawagan ngayon si Senador Ralph Recto ng karagdagang tulong pinansiyal sa halos 1000 nasugatang sundalo sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Nais ng mambabatas na gawing Isang Milyong Piso ang tulong pinansyal, kwadruple sa halagang nakatakdang tanggapin ng mga sundalo.
Sa ilalim kasi ng CSBBP o Comprehensive Social Benefits Program, ang mga nabaldadong sundalo’t pulis ay dapat makakuha ng one-time financial assistance na 250,000 Piso habang 100,000 piso naman sa mga nagtamo ng minor at major injuries.
Ayon kay Recto, aabot sa 845 ang nasugatang sundalo batay sa report ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
AFP ikinalugod ang panukalang P1-M aid sa mga sugatang sundalo sa Marawi
Ikinagalak ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang panukala ni Senador Ralph Rector na itaas sa Isang Milyong Piso ang ibibigay na tulong pinansyal para sa mga sundalong nasugatan sa gyera.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, malaking tulong ito lalo na sa mga nabaldadong sundalo na nangangailangan ng tulong.
Idinagdag pa ni Padilla na napapanahon ang nasabing panukala ng Senador at labis nila itong ikinatuwa.
Aminado ang militar na maraming sundalo ang nasugatan sa gitna ng bakbakan sa Marawi City na ngayon ay nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot.
By: Arianne Palma
SMW: RPE