Pinaiimbestigahan ni Senate Minority Leader Ralph Recto sa Senate committee on energy ang status ng power supply sa Luzon Grid.
Aniya, dapat malaman din kung ano ang dahilan ng sabay-sabay na shut down ng 6 na power plant na nagresulta ng blackout sa Luzon.
Sa isinumiteng resolusyon ni Recto, layon ng imbestigasyon na matukoy ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang maaasahan at sapat na supply ng kuryente.
Matatandaang 2 beses na itinaas sa Red Alert ang Luzon grid mula July 25 hanggang 31.
Araw-araw mula July 26 hanggang 31, naka-yellow alert ang Luzon grid na nagdulot ng power interruption sa ilang lugar sa Luzon.
Itinaas ang Red alert sa Luzon grid makaraang mag-shut down ang Sual 2, Calaca 2, Santa Rita, SLTEC, Limay 2, at Angat main.
By: Avee Devierte / (Reporter No. 19) Cely Bueno