“KUNG HUHULIHIN NILA SI BATO ISAMA NIYO NA AKO.”
Ito ang naging pahayag ni Senador Robin Padilla sakaling silbihan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) ang dating hepe ng PNP dahil sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Kamakailan, ibinunyag ni Senador Francis Tolentino na tinanggap niya ang kahilingan ni Senator Ronald Dela Rosa na maging legal counsel niya sa lahat ng proceedings sa imbestigasyon ng ICC sa drug war ng Duterte administration.
Samantala, sinabi ni Duterte, sa isang talumpati sa 32nd national convention ng Prosecutors’ League of the Philippines, na wala siyang pakialam sa ICC.
Kamakailan, tinanggihan ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na humihiling na baligtarin ang desisyon ng international tribunal na ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa kontrobersyal sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sa pagtanggi sa apela ng Pilipinas, sinabi ng ICC Appeals Chamber na nabigo ang gobyerno na ipaliwanag ang kawalan ng hurisdiksyon ng Korte o magbigay ng paliwanag sa mga implikasyon at saklaw ng imbestigasyon.