Tama para kay Senador Serge Osmeña ang ginawang pag-veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS pension hike bill.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Osmeña na kung maglalabas ng pera ang SSS, dapat ay mayroong paraan na ipatupad para makapagpasok ng pera ang ahensya upang hindi ito mabangkarote.
Ipinaliwanag ni Osmeña na sakaling hindi makahanap ng ibang fund raising measure ang SSS, may posiblidad na maubusan ito ng pondo pagkatapos ng 36 na taon.
Dahil dito, iminungkahi ng senador na dagdagan ng P100 ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS para maipatupad ang P2,000 increase sa pensyon ng mga retiradong miyembro.
“Ako po pabor ako na itaas ang pension but we have to find the way, where to souce the fund, and the most intelligent way ay itaas ng P100 ang monthly contribution,” paliwanag ni Osmeña.
By: Meann Tanbio