Binigyan ng “8” o otso na grado ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod ng pagsasabing kuntento siya sa naging performance ni Pangulong Duterte sa unang taon nitong panunungkulan.
Binigyang diin ni Sotto na sa unang taon pa lamang ay naging matindi na ang hakbang ng Pangulo para labanan ang iligal na droga at banta ng terorismo sa bansa na aniya’y hindi ginawa ng nakalipas na administrasyon.
Dagdag ni Sotto, ipinatutupad na rin ang libreng irigasyon na makatutulong sa mga magsasaka at ang free higher education na mapakikinabangan ng mga mahihirap na mag-aaral.
Giit pa ng senador, asahan pa ang mas marami pang magaganda proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno