Hiniling ni Senate President Tito Sotto sa pamunuan ng Philippine National Police na payagang makapagsagawa ng committee hearing si Senador Leila De Lima sa PNP Custodial Center.
Sa kanyang liham kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sinabi ni Sotto na dapat payagan si De Lima na gampanan ang kanyang trabaho bilang isang halal na Senador.
Ayon kay Sotto, ginawa niya ang hakbang upang mabigyan ng pagkakataong maisalang sa hearing ang mga usaping nakabinbin sa Committtee on Social Justice, Welfare and Rural Development Committee na pinamumunuan ni De Lima.
Tiniyak ni Sotto kay Albayalde na susunod ang senate contingent sa lahat ng panuntunan ng PNP sakaling payagan ang hearing sa loob ng PNP Custodial Center.
Matatandaang nakakulong noon si Senador Antonio Trillanes nang mahalal na senador at pinayagan itong magampanan pa rin ang trabaho niya bilang senador.